64: Ang taong bago
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
May pagtuturo siya dati na ang isang taong bago raw ay hindi si Cristo at ang Iglesia.
Eli Soriano: “Upang lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago.” E alin po ‘yung isang taong bago na nilalang, na ‘yung Gentil at Israelita’y pinagkasundo? ‘Yun po ba’y si Cristo at ang Iglesia? Hindi po. Siya nga ang lumalang e sa Kaniyang sarili ng isang taong bago, ayon sa Colosas o sa… sa Efeso. Nilalang Niya sa Kaniyang sarili ang isang taong bago.
Subalit noong Nobyembre 28, 2001, itinuro naman niya na pinagsama ang Panginoong Jesucristo at ang Iglesia upang bumuo ng isang taong bago.
Eli Soriano: [Matapos basahin ni Willy ang Col. 1:18.] Siya ang wika, si Cristo ang ulo ng katawan samakatuwid baga’y ng Iglesia. Pinagsama ng Diyos, pinaglapat si Cristo’t ang Iglesia para makabuo ng isang bagong tao. Tandaan n’yo po ‘yon. Isang bagong tao. Si Cristo, pinagsama Niya ang Iglesia’t si Cristo para bumuo ng isang taong bago.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home