60: Nagfile ng candidacy
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
Enero 10, 2004, Sa isang pagkakataon ay sinabi niya na hindi siya na nag-file ng certificate of candidacy.
Eli Soriano: Sana nagtanong ka muna, o, di mo muna ‘tinanong, bro. Eli, nag-file ka ba ng Certificate of Candidacy? Sagot: HINDI! Oh di sana alam mo hindi ako nag-file. Naniniwala ba kayong hindi? Kaya nga hindi nga nila ako nakunan ng camera d’un eh. Palagay n’yo kung pumunta ako sa, kung pumunta ako sa…COMELEC, di ba ‘ko pagpipiyestahan ng mga reporter d’on? Ha, mga kapatid? Kaya nga in fact na hindi ako nakunan ng interview dahil wala ako r’on. Hindi ako nag-file. Eh merong kapatid na nag-file para sa akin. Sinisisi ko nga eh. Alam n’yo kung ba’t sinisisi ko? Bakit magpa-file ka rin lang eh hindi pa presidente? Bakit senador ang ipinayl mo?(Sigawan) Di ka muna kasi nagtatanong eh. Magtanong muna kayo.Sa dakong huli ng pagsasalita niya ay inaming nag-file siya.
Eli Soriano: Ngayon, eh komo naka-file na ‘yon, ok lang. Anyway it cannot do any harm to me. Bakit? Bakit? Ako ba eh, meron bang magagawang masama sa ‘kin ‘yung pagpa-file noon? May nagawa ‘yon, naligalig ang mga kandidato. Nagtatawagan sa akin. (Sigawan) May tumawag, sabi, umatras ka na lang Bro. Eli, makakagulo ka rin, sabi n’ya. Oh meron namang tumawag na presidentiable, gusto akong makausap nang one on one. Dalawa na po ang tumawag na presidentiable na gusto akong makausap na one on one n’ung makitang nag-file ako ng certificate of candidacy.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home